ForEx



BMPM Reports

Pasig residents complain of rotting rice

Inilapit ng isang Bayan Patroller ang reklamo ng mga taga-Pinagbuhatan, Pasig City, kaugnay sa masangsang na amoy ng libu-libong sako ng bigas na inaamag na sa isang bodega. Nagpa-Patrol, Sol Aragones. TV Patrol, Setyembre 14, 2012, Biyernes

Marc Logan reports: Traffic aide's outburst

Nakunan naman ng bidyo ang pagwawala ng isang traffic enforcer sa Calamba City matapos umanong tanggihan ng isang drayber ng bus na gusto niyang tiketan dahil sa kasong obstruction. Ang mga eksenang nakunan ng Bayan Patroller sa mga kuwento ni Marc Logan. TV Patrol, Agosto 25, 2012, Sabado

Hundreds of Bayan Patrollers sign up in Batangas

Umarangkada ang Bayan Mo, iPatrol Mo sa Tanauan, Batangas. Ito'y para hikayatin ang mga guro at kabataan na maging Bayan Patroller at ipaunawa ang magiging papel nila sa halalan. Nagpa-Patrol si Sol Aragones.  TV Patrol, Agosto 16, 2012, Huwebes

BMPM launched in Tacloban

Pagbabago ang inaasam ng mga taga-Eastern Visayas. Kung kaya't mahigit 5,000 Waraynon ang lumahok sa paglunsad ng Bayan Mo iPatrol Mo sa Balyuan Amphitheater dito sa Tacloban noong Miyerkules. Nagpa-Patrol si Sharon Evite. TV Patrol, Agosto 10, 2012, Biyernes

Bayan Patrollers take part in ‘Gener’ coverage

Naging aktibo ang ating mga Bayan Patrollers sa pag-uulat ng sitwasyon sa kanilang lugar sa kasagsagan ng bagyong Gener. Nagpa-Patrol, Pinky Webb. TV Patrol, Agosto 2, 2012, Huwebes

Carmi Martin reports on Palawan's damaged bridges

Inireklamo ng Bayan Patroller at aktres na si Carmi Martin ang ilang sirang tulay sa Palawan. Panawagan niya sana ay mapanindigan ang kampanyang “it's more fun in the Philippines” lalo na sa mga lugar na madalas puntahan ng mga turista. Nagpa-Patrol, Atom Araullo. TV Patrol, Hulyo 17, 2012, Martes
 

Patrollers send videos, photos of floods

Ibinahagi naman ng ilang Bayan Patroller ang pagbaha sa kanilang lugar bunsod ng low pressure area sa bansa. TV Patrol, Hulyo 3, 2012, Martes

‘BMPM Tayo Na’ campaign kicks off in Malabon

Umarangkada muli ang Bayan Mo iPatrol Mo Tayo Na election campaign para hikayatin ang publiko na bumoto ng tama sa halalan. Nagpa-Patrol, Apples Jalandoni. TV Patrol, Hunyo 24, 2012, Linggo